Monday, September 05, 2005

Repost Ni Tasha na repost ni Ali Na Nirepost Ni Moki Na Irerepost Ko

Huwag ka sanang magagalit
kung sasabihin ko na hanap-hanap ka ng aking mga tula

Huwag ka sanang maiilang
kung tuwing umuulan, isip-isip ko ang init ng ating katawan.

Ngayon, butas lamang sa langit ang lahat ng bituin.

Ngayon, panukat lamang ang buwan ng layo mo sa akin.

Anumang kuwento ang simulan ko'y sa iyo rin nauuwi.
Sa bawat aklat na aking buklatin naroroon ang iyong tingin.

Alam ko: may sarili kang tanong na dapat sagutin;
may sarili kang misteryo na dapat harapin.

Huwag magmadali: panahon ngayon ng liwanag at sari-saring dilim;
Oras ng sugat at lamig at ng paurong-sulong na pagpapaumanhin.

Ngunit Tess, mahal,huwag ka sanang magagalit
huwag ka sanang maiilang kung aking sasabihin na tuwing humihinga ako,
naaamoy kita,na tuwing pumipikit ako,ikaw ang nagiging umaga.

--"Huwag Ka Sanang Magagalit," Ramon C. Sunico

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

<body>